Taob sa China ang Philippine Malditas sa 2nd round ng 2018 AFC Women’s Asian Cup sa Amman, Jordan.
Dinuro ng Chinese team ang Philippine Women’s National Football Team sa score na 3-0, sa King Abdullah II Stadium, kagabi.
Ang china ay 8th time champion sa naturang torneyo at isa sa mga powerhouse sa Group A.
Magugunitang nalusutan ng Malditas ang host nation na Jordan sa score na 2-1.
Kasalukuyang nasa 3rd spot sa Group A sa kartadang 1-0 habang kanilang makakaharap sa final match ng dibisyon ang Thailand sa Huwebes, April 12.
—-