Nasungkit ng Pinay na si Kimberly Anne Custodio ang gintong medalya sa 2022 Jiu-Jitsu World Championship.
Nanguna ito sa 45-kilogram division matapos na pataubin si Kacie Tan ng Thailand.
Nabigo naman ang kasamahan nito sa team na sina Philip Cristopher Alegre sa Men’s 77-kilogram at Ashley Jeraine Baluyot ng Women’s 52-kilogram division.
Nabatid na ginanap ang championship sa Abu Dhabi.