Nailigtas na ang isang Pinay domestic worker sa Qatar na humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media matapos na makailang beses gahasain ng kanyang employer.
Batay sa salaysay ng OFW na kinilala lamang bilang si Irene, ni-rape siya ng kanyang amo isang beses noong buwan ng Agosto at noong Setyembre 6 at 11.
Ayon kay Overseas Filipino Workers Welfare Administration Chief Hans Leo Cacdac, dinala na sa polo office sa Qatar ang Pinay overseas worker at nasa ligtas nang kalagayan.
Tiniyak din ni Cacdac na patuloy nilang pinababantayan ang kalusugan nito.
Samantala, nangako naman ang embahada ng Pilipinas na tutulungan ang nasabing OFW sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang amo.
—-