Hindi pa rin makapag-pasya ang mga Filipina na nakapag-asawa ng mga Ukrainian kung lilisanin na o hindi ang Ukraine sa gitna ng patuloy na pag-atake ng Russia.
Inihayag ni Philippine ambassador to Poland Leah Basinang-Ruiz na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang saklolohan ang mga nalalabi pang Filipino sa Ukraine.
Ayon kay Ruiz, bagaman walang problema ang mga babaeng Ukrainian matapos mabigyan ang mga ito ng visa, hindi naman agad makaalis ang ilang Pinay na nais makapiling ang kanilang mga asawang Ukrainian.
Alinsunod sa martial law na ipinatupad ng Ukainianian government, pinagbabawalang lumabas ng bansa ang mga lalaking edad 18 hanggang 60 upang magsilbi sa army at ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa Russian forces.
Sa kabila nito, hinimok naman ng philippine embassy sa warsaw, poland ang lahat ng Filipino na nananatili sa ukraine na magpasya na sa lalong madaling panahon upang masaklolohan ang mga ito.