Posibleng hindi sa Pilipinas nakuha ang virus ng biyaherong nagmula sa bansa at nagpositibo sa bagong variant ng COVID-19 habang nasa Hong Kong.
Ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ay dahil nagnegatibo ang biyahero sa COVID-19 test bago ito umalis ng bansa, at 10 araw aniya mula nang dumating sya sa Hong Kong nang magpositibo ito sa naturang virus.
Sa pagitan ng mga nabanggit na araw, posible aniyang nakuha ng Pinay ang virus sa Hong Kong, ngunit ito’y kailangan pa ring i-validate.
Samantala, batay naman sa inilabas na impormasyon ng Department of Health, nakasaad na ang 30-taong gulang na babaeng nagmula sa Cagayan Valley, na nagpositibo sa virus habang nasa Hong Kong, ay sumailalim sa quarantine paglapag nito sa ibang bansa.