Handa ang gobyerno na bigyan ng legal assistance ang isang pilipinang naaresto dahil sa iligal na droga sa Malaysia.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bibigyan ng ayuda ang naturang Pilipina dahil karapatan niya ito bilang isang Filipino citizen.
Aniya, posibleng inosenteng courier lamang at biktima ang babae at hindi naman isang drug pusher o drug trafficker.
Una nang naaresto ang hindi pinangalanang Pilipina matapos na mahulihan ng halos anim na kilong ng shabu sa Sabah.