Buhay na buhay at nasa ligtas na kalagayan ang Pinay overseas worker na si Norisa Manambit, ang napaulat na nawawala at inakalang na-comatose umano sa isang ospital sa bansang Kuwait.
Iyan ang inihayag sa DWIZ ni OWWA o Overseas Workers Welfare Administrator Hanz Leo Cacdac makaraang matunton si Manambit ng mga labor official ng Pilipinas sa Saudi Arabia at Kuwait.
Ayon kay Cacdac, natagpuan si Manambit sa isang deportation center sa Dammam subalit hindi na siya nagbigay pa ng detalye hinggil sa dahilan kung bakit naruon ang Pinay OFW.
Kasunod nito, tiniyak ni Cacdac na kanila pa ring aalamin kung talagang mayruong Pilipina na comatose at naka-confine sa Kuwait batay na rin sa lumabas na ulat.
Posted by: Robert Eugenio