Ginawaran ng British Empire Medal ang Filipina nurse na si Minnie Klepacz sa United Kingdom bunsod ng hindi matatawaran nitong tulong at suporta sa kanyang komunidad at mga katrabaho sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon naman sa University Hospitals Dorset-National Health Service Foundation Trust, bukod sa kanyang trabaho sa ospital ay gumagawa rin si Klepacz ng community work para sa mga Pinoy at ilang co-worker niya sa Britanya tulad ng pagluluto ng pagkain para sa mga ito lalo na ang mga nagpapagaling sa sakit.
Si Klepacz ang pinuno ng Black Asian Minority Ethnic o BAME Network sa Royal Bournemouth Hospital.
Sinasabing tinedyer pa lamang si Klepacz nang mapunta sa UK at 19 na taon na rin itong nagtatrabaho doon.