Pinagkalooban ng British Empire Medal si Minnie Klepacz , isang Pilipinang nurse sa United Kingdom (UK) bilang pagkilala sa kanyang kasipagan at dedikasyong pinamalas sa kanyang trabaho ngayong pandemya .
Si Klepacz ay nagsimulang magtrabaho sa United Kingdom bilang isang nurse noong siya ay 19 years old at naging Matron sa Ophtalmology sa Royal Bournemout Hospital na ngayon ay University Hospitals Dorset NHS Trust na.
Siya din ay namumuno sa ospital ng Black, Asian and Minority Ethnic (BAME) network, kasabay ng pagiging abala siya din ay sumusuporta sa Filipino community sa UK kung saan siya at kanyang asawa ay namamahagi ng relief at tumutulong sa mga may sintomas at kagagaling lamang sa COVID-19.
Ayon kay Klepacz isa sa pinakamahalaga higit sa lahat ay ang suportang emotional sa panahon ng pandemya na maibibigay niya.
Kaya’t ganoon na lamang ang kanyang tuwa nang bigyang pagkilala ang kanyang inisyatibo, ani Klepacz isang malaking karangalan ang makatanggap ng pagkilala mula mismo sa reyna ng UK. —sa panulat ni Agustina Nolasco