Nakatanggap ng parangal mula kay Queen Elizabeth ang isang Filipino nurse na nagtatrabaho sa isang care home sa surrey England.
Pinagkalooban ng British Empire medal ang Pinay staff nurse na si Charito Leonardo Romano dahil sa ipinakita nitong katapangan sa pagtatrabaho sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Leonardo-Romano, lubos niyang ikinalulugod at ipinagpapasalamat ang natanggap niyang pagkilala.
Aniya, isa sa kanilang maipagmamalaki ay ang pananatiling COVID-19 free ng care home na kanyang pinagtatrabahuan.
Ani Leonardo-Romano, wala pang kahit isa sa kanilang mga residents sa care home ang nahawaan ng COVID-19.
Samantala, isa si Leonardo-Romano sa mga Filipinong nagtatrabaho sa UK na naturukan na ng COVID-19 vaccine na likha ng Pfizer noong Disyembre 20 at nakatakdang bigyan ng ikalawang dose sa Enero 10.