Nabugbog ang isang Pinay nurse sa New York, USA habang namimigay ng face mask sa mga pasahero ng subway.
Nagkaruon ng sugat at galos sa kanyang mukha at katawan ang nurse na si Potri Ranka Manis matapos atakihin ng isang mag asawa na tumanggi sa face mask na ibinibigay niya sa mga ito.
Bukod sa pag atake kay Manis, kinuha ng mag asawa ang kanyang cellphone at sinigawan siya ng racial slurs bago siya itinaboy at sinabihang bumalik ng China.
Tinutugis na ng New York Police Department ang mga suspek.