Panghahalay at pambubugbog ang sinapit ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kamay ng isang pulis sa Kuwait.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan kinilala ang responsable sa panggagahasa na si Fayed Naser Hamad Alajmy, isang pulis sa nasabing bansa.
Ayon kay charge d’ affaires Mohd Noordin Lomondot, nagkakilala ang dalawa noong June 4 nang tulungan ni Alajmy ang Pinay na magrehistro sa pamamagitan ng finger-scanning sa isang paliparan.
Ngunit matapos ito, dinukot na ng pulis ang Pinay worker at saka binugbog at ginahasa.
Dahil dito naglabas na aniya ang mga otoridad sa Kuwait ng warrant of arrest laban sa suspek.
Tiniyak naman ng DFA na gagawin ang lahat para makamit ang hustiya ng OFW.