Binisita ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Pinay na si Jennifer Dalquez na nasa death row sa UAE o United Arab Emirates.
Sa panayam ng programang “Global Pinoy”, ibinalita mismo ng kalihim sa ina ni Jennifer na si Ginang Alicia Dalquez na maayos naman ang kalusugan ng anak nito, bagamat umiiyak paminsan-minsan.
Nangako si Bello na gagawan ng paraan na makadalaw ang dalawang anak ni Jennifer sa lugar kung saan nakapiit ang kanilang ina.
Bibigyan din aniya ng scholarship ang mga nasabing anak ni Jennifer, habang pangkabuhayan naman ang ipagkakaloob ng DOLE kay Ginang Alicia.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Sec. Bello sa DWIZ
Ipinabatid din ni Bello na nakausap niya ang Ministry of Labor ng UAE hinggil sa kaso ng nasabing Pinay.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Sec. Bello sa DWIZ
Ipinagpaliban aniya ang pagdinig sa kaso ni Jennifer sa Marso 27.
Umaasa ang kalihim na ibababa sa life imprisonment ang sentensya kay Jennifer.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Sec. Bello sa DWIZ
By: Meann Tanbio