Handa umanong talikuran ni Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kaniyang karera para sa pagbuo ng sariling pamilya.
Sa naging pahayag ng weightlifting star, handa na siya sa nalalapit na kasal ng kaniyang coach-fiancé at tubong Guam na si Julius Naranjo sa Hulyo a-26 sa Philippine Military Academy sa Baguio.
Ayon kay Hidilyn, pipiliin niya ang kaniyang marriage dahil si Julius ang nagsilbing sandigan sa kaniyang mga naranasang lungkot at pagkasawi sa pag-ibig kung saan, tinalikuran din nito ang sariling bansa para maging isa sa mga trainer ni Hidilyn.
Dagdag pa ng Olympian medalist, mahirap makahanap ng “The One” na makakaintindi at magmamahal ng totoo sakaniya kaya kailangan niya itong alagaan at bigyan ng halaga.
Nilinaw naman ni Hidilyn na magpapatuloy pa rin ang kaniyang karera sa weightlifting pagkatapos ng kaniyang kasal kung saan, plano ng atleta na masungkit ang gold medal sa 2024 Paris Olympics.