Patay ang isang 49 anyos na Pilipina sa kamay mismo ng kaniyang mga kababayan sa Canada.
Kinilala ang biktimang si Maria Cecilia Loreto, residente ng New Westminster sa nasabing bansa.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang pinatay si Loreto sa kaniyang bahay nuong Marso 17 at kalauna’y nakita ang kaniyang sunog na labi sa isang pasyalan sa burnaby.
Nadakip naman ang dalawang suspek na kinilalang sina Carlo Tobias at kasabwat nitong Pilipino rin na 15 anyos.
Gayunman, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad sa lugar ang motibo sa krimen lalo’t may natanggap silang sensitibong impormasyon.
Pero batay sa ulat ng Canadian media, magkakilala umano ang suspek at ang biktima na siyang masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad.