Patay ang 30-anyos na Pilipina matapos umano’y pagsasaksakin ng kanyang asawa sa San Diego, California.
Ayon sa Sheriff’s Department ng San Diego County, ang biktimang si Rhona Barcelon ay nagkaroon ng pakikipagtalo sa asawang si Jay sa kanilang bahay sa Lemon Grove nitong nakalipas na ika-16 ng Abril.
Hinihinala ng mga otoridad na sinaksak muna ng suspek ang biktima bago sinaktan ang sarili nya.
Ipinabatid ng mga otoridad na pinuwersa nila ang pagpasok sa bahay ng mag asawa kaya’t napigilan pa ang pananaksak ng lalaki sa asawa nito na kapwa nalapatan naman ng paunang lunas.
Subalit dahil sa matinding sugat na tinamo ni Rhona, nasawi rin ito matapos ideklarang dead-on-arrival ng doktor.
Si Jay naman ay ginamot din at stable na ang kondisyon subalit mahaharap sa kasong murder.
Sina Rhona at Jay ay mayroong dalawang anak.