Ibinaba sa habangbuhay na pagkabilanggo ang parusang kamatayan na ipinataw sa isang Pinay sa Malaysia.
Ayon sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur, ang commutation of sentence na ipinagkaloob kay Jacqueline Quiamno ay tugon sa ipinadala nilang kahilingan sa State of Selangor Pardons Board.
Si Quiamno ay nasentensyahan ng parusang kamatayan matapos mahulihan ng 5 kilo ng cocaine sa sa Kuala Lumpur International Airport noong 2005.
Umaasa ang embahada ng Pilipinas na mapagbibigyan rin ang kanilang kahilingan pra maibaba ang sentensya sa tatlo pang Pilipino na nahaharap sa parusang kamatayan sa Malaysia dahil sa drug smuggling.
Ang 3 Pinoy ay nakilalang sina Gerry Saavedra Quijano at mag-asawang Timhar at Nurie Ong.
Una rito, 8 Pilipino ang pinalaya noong Pebrero ni Sabah Governor Tun Datuk Sen Panglima Haji Mahiruddin makaraang makulong na ng 21 hanggang 26 na taon sa kasong drug trafficking.
By Len Aguirre