Natagpuang patay ang isang Pinay student sa Ireland.
Kinilala ang Pilipina na si Justin Valdez, 24 na taong gulang, estudyante subalit nagta-trabaho sa isang restaurant sa nasabing bansa.
Nabatid na dalawang araw nang nawawala si Valdez matapos makita itong dinukot ng isang lalaki mula sa itim na kotse. Nahuli naman ng mga awtoridad ang suspek na si Mark Hennesy, Irish native na napatay ding matapos manlaban sa mga pulis.
Sexual attack ang hinihinalang motibo sa krimen dahil hindi naman umano kilala ng biktima ang suspek.
Isinasailalim na sa autopsy ang labi ni Valdez habang nagsasagawa ng vigil ang mga Pilipino na nagta-trabaho at nakatira sa Ireland.
Batay sa impormasyon, taong 2000 nang unang dumating ang mga magulang ng biktima sa nasabing bansa habang 2016 nang dumating ang dalaga sa Ireland.