Nakasungkit ng bronze medal ang Pilipinas sa larangan ng table tennis sa 2016 Rio Paralympics.
Naibulsa ng Pinay paddler na si Josephine Medina ang tansong medalya sa Women’s Single Class 8 Division kung saan pinaghariaan ito ng pambato ng China na si Mao Jingdian habang silver naman ang nakuha ni Thu Kamkasimphou ng France.
Taong 2000 pa nang huling makasungkit ang Pilipinas ng bronze medal sa katauhan ng powerlifter na si Adeline Dumapong sa Sydney Paralympics.
Ang polio victim na si Medina ay nakapag-uwi na ng gintong medalya sa bansa para sa ASEAN para games sa Singapore noong nakaraang taon.
By Ralph Obina