Patay sa ambush ang isang Filipina teacher habang sugatan ang 4 na iba pa sa Mozambique.
Nangyari ang pananambang noong Linggo sa Murrotone malapit sa bayan ng Mocuba .
Sakay ang mga biktima sa isang passenger bus nang mangyari ang pag-atake ng Renamo rebels.
Tumanggi naman si Joselito Chad Jacinto, Spokesman ng Philippine Embassy sa South Africa na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasawing Pinay teacher.
By Meann Tanbio