Nakabawi si Alex Eala matapos mapataob ang haponesang si Momoko Kobori sa W25 Chiang Rai tournament sa Thailand.
Dahil dito, umusad na si Eala sa semifinal stage kung saan makakaharap naman nito si Yexin Ma ng China na una nang nakatalo kay Ho Ching Wu ng Hong Kong.
Una nang nakatakas si Eala sa kamay nang nakasagupang Serbian sa round of 32 bago tuluyang mamayani sa hometown bet ng Thailand sa round of 16.
Ito na ang ika-pitong tournament ng Pinay teen tennis sensation kung saan target nitong makuha ang ikalawang professional title matapos mamayani sa W15 Manacor nuong 2021.