Wagi ng best actress award ang Pinay na si Mary Joy Apostol para sa award winning na pelikulang “Birdshot” sa katatapos lamang na ASEAN Film Awards na ginanap sa Vietnam.
Si Mary Joy ang gumanap sa papel ng 14-taong gulang na si Maya na aksidenteng nakabaril sa endangered na Philippine Eagle.
Ang “Birdshot” ay sa direksyon ni Mikhail Red na pinagbibidahan din ni John Arcilla.
Ang pelikulang ito rin ang napili para maging official entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film Category ng 2018 Academy Awards.
Ang “Birdshot” ay tinanghal nang Best Picture sa Asian Future Film Competition sa 29th Tokyo International Film Festival.
—-