Wagi ang isang 25-anyos na Pinay sa 18th Asia Shinkyokushinkai Karate Open Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Napasakamay ni Pinay Karate Senpai Hanzel Raguine ang 2nd runner up award sa Women’s Open Category ng nasabing kumpetisyon.
Ayon kay Raguine, marami siyang dinaanang hamon para lamang sa naturang event partikular ang kakulangan ng pondo at pagbabago sa kanyang weight category.
Subalit natutuwa naman siya at worth it ang lahat ng pagsisikap niya ng kanyang team para makapag fund raising at mag solicit pandagdag sa gastusin nila sa pagsali sa kumpetisyon.
Una nang sumabak si Raguine sa First Asia Full Contact Karate Open Championship 2019 sa Kuala Lumpur din subalit bigong manalo.
Si Raguine ay 11-taon nang miyembro ng World Karate Organization Shinkyokushinkai Philippines, isang Non-Profit Socio Civic Organization na nagsusulong ng holistic development sa isang indibidwal sa pamamagitan ng Shinkyokushinkai Karate.