Nagwagi ang Pinay na si Maureen Wroblewitz sa Asia’ s Next Top Model Season 2 sa Singapore.
Kinabog ng 19- anyos na Pinay ang mga kapwa contender na sina Shikin Gomez ng Malaysia at Minh Tu Nguyen ng Vietnam para sa final challenge ng kompetisyon na isang fashion walk.
Nagpakitang gilas si Maureen habang suot ang design ng kilalang si Xiao Qing na isa sa secret judge ng show.
Kabilang sa mga premyong matatanggap ni Maureen ay ang isang Subaru car, maging cover ng nylon Singapore at ang pinakaaasam na modelling contract sa Storm Model Management na naka-base sa London.
Dahil sa kanyang pagkapanalo, nagdiwang ang mga Pinoy lalo na sa social media kung saan nag-trending pa si Maureen matapos syang i-congratulate ng marami nitong tagasuporta.
Pia Wurtzbach sa last photo ni Maureen
Sensual but not offensive.
Ito ang naging reaksyon ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa final photo ng pambato ng Pilipinas na si Maureen kung saan itinanghal itong Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner.
Si Pia ay kabilang sa naging judge sa final photoshoot at catwalk challenge ng nasabing reality modelling competition show.
Ayon kay Pia, pinatunayan ni Maureen na hindi lamang siya isang dalagang may magandang mukha kundi may talento rin sa pagmomodelo.
Si Maureen ang kauna-unahang Pilipina na nagwagi sa Asia’s Next Top model.
Nakasama niya ang sa top 3 ang pamabato ng Vietnam na si Minh Tu Nguyen at Shikin Gomez ng Malaysia.
Maituturing na underdog si Maureen sa kompetisyon na madalas lamang sabihan ng “girl with a pretty face” pero pinatunayang kayang umangat laban matapos na magkasunod na makuha ang best photo sa magkasunod na challenge.
By Rianne Briones / Krista de Dios
Pinay wagi sa Asia’s Next Top Model was last modified: June 29th, 2017 by DWIZ 882