Isang 19 na taong gulang na Pilipina ang nakasungkit ng tatlong ginto at tatlong pilak na medalya makaraang sumabak sa weightlifting tournament sa Yanggu, South Korea.
Hinakot ng Criminology student ng University of Bohol na si Elien Rose Perez ng Tagbilaran city ang mga medal sa 2017 Asian Senior Cup Weightlifting Championships.
Lumahok ang dalaga sa women’s 53-kilogram division ng weightlifting championships at tinalo si Sanju Chaudhary ng Nepal.
Si Perez na protege ng olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz, ay dumagit din ng tatlong silver sa Asian Inter-Club meet sa kahalintulad na torneyo.