Nakasungkit ng tatlong gintong medalya ang Filipina Weightlifter na si Hidilyn Diaz sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota.
Ito ay matapos bumuhat si Diaz ng kabuuang 207 kilong barbel sa 55 kilogram category ng kompetisyon.
Sa 93 kilo category unang nakapag-uwi ng medalya ang weightlifter at sa 114 kilogram category.
Hindi pa nasiyahan si Diaz sa kaniyang performance dahil nagrehistro siya ng no-lift sa kanyang mga pagtatangka sa 117 at 121, na pinakamahusay ngayong taon.
Bago ang 2022 World Weightlifting Championships, una na ring nagkamit ng ginto si Diaz sa Asian Games, Asian Championships, at sa Southeast Asian Games kung saan siya ang kauna-unahang gold medalist ng Pilipinas.