Inihayag ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na ipinauubaya na nila sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang imbestigasyon ukol sa pinekeng pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa appointment ng bagong Bureau of Immigration chief.
Ito ang sinabi ni Azurin makaraang matukoy ng CIDG ang limang indibidwal na maaari umanong makatulong sa kaso.
Sa ganitong paraan, ayon kay Azurin, ay hindi na magugulo pa ang imbestigasyon at maiwasan na rin na may maakusahan pang mga indibidwal na hindi pa tiyak kung may kaso o wala.
Una nang binanggit ni CIDG director Police Brigadier General Ronald Lee na pinadalhan na ng subpoena ang tatlo sa limang persons of interest upang magbigay-linaw sa usapin.