Tila may agam agam si dating Senador Panfilo Lacson bagamat bukas siyang maka-tandem si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 elections.
Sinabi ni Lacson na posibleng hindi umubra o maging bentahe ang halos parehong focus nila ni Duterte na disiplina at pagsusulong ng kaayusan.
Kasabay nito, pinuri ni Lacson ang pagsuwata ni Duterte sa kriminalidad sa nasasakupan nito.
Mayroon aniyang kredibilidad na matatawag si Duterte dahil ramdam mo naman ang ipinagmamalaki nitong ligtas ang pakiramdam mo kapag ikaw ay nasa Davao.
VP post
Open pero remote.
Ganito isinalarawan ni dating Senador Panfilo Lacson ang posibilidad na pagtakbo niya bilang Bise Presidente dahil sa resulta ng mga nakalipas na survey kung saan mababa ang nakuha niyang suporta sa nasabing posisyon.
Dahil dito, inamin ni Lacson na tinitimbang niya ang posibleng pagkandidato muli bilang senador.
By Judith Larino