Natanggap na ng Professional Artists Managers, Inc. o PAMI ang reklamong isinampa ni Ping Medina laban kay Baron Geisler.
Ito’y matapos ihian ni Baron si Ping sa isang eksena sa pelikulang “Bubog” na hindi naman kasama sa script.
Ayon kay PAMI President June Torrejon-Rufino, magpapatawag siya ng emergency meeting para maaksyunan ang reklamo laban kay Baron.
Naging kontrobersiyal ang ginawa ni Baron na pag-ihi kay Medina, habang kinukunan ang eksena nilang dalawa sa nasabing pelikula.
Nakagapos noon ang paa at kamay ni Medina at may takip pa sa bibig nang siya ay ihian ni Baron.
By Meann Tanbio