Tiwala si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na hindi maaapektuhan ng pagpigil ng US State Department sa pagbebenta sa Pilipinas ng 26,000 assault rifle, ang kampanya nito kontra iligal na droga.
Ayon kay Dela Rosa, ito ay dahil kaya nilang makipagsuntukan sa mga drug lord.
Sinabi ni Dela Rosa na kung may maaapektuhan ang naturang hakbang ng US State Department, ito ay ang kanilang pagsugpo sa terorismo at sa private armed groups.
Sa kabila nito, tiniyak ni Dela Rosa na kanilang tutugunan ang kanilang tungkulin hanggang sa huli nilang bala at patak ng dugo.
By Katrina Valle | Jonathan Andal (Patrol 31)