Muling ikinasa ng SM Cares ang Pink Ribbon Day bilang pag obserba sa breast cancer awareness na isa sa mga mahahalagang advocacy na nakatutok sa kapakanan ng mga kababaihan.
Kabilang sa mga programang bahagi ng SM Cares Pink Ribbon Day tuwing Oktubre simula pa nuong 2017 may medical breast examination, motivational talks mula sa mga breast cancer survivors at breast cancer awareness forums kasama ang health experts, katuwang ang Philippine Breast Cancer Society at Department of Health.
Sa taong ito, suportado ng SM Cares ang nasabing hakbangin sa pamamagitan ng look good, feel good campaign ka partner ang Estee Lauder Companies para ipakita kung paano masiglang namumuhay ang breast cancer patients.
Tiniyak ng SM Cares ang patuloy na pagpapalaganap ng mga impormasyon, edukasyon at communication campaign na tututok sa agarang pag detect at paglaban sa breast cancer.
Ang SM Cares ay ang corporate social responsibility arm ng SM Prime Holdings na nakatutok at nagsusulong ng mga programang pang kalusugan ng mga kababaihan, kapaligiran, breastfeeding mothers, mga bata at kabataan, persons with disabilities, senior citizens at SM bike friendly initiative.