Buong-buo pa rin ang paniniwala ni dating North Cotabato Governor Manny Piñol na tatakbo bilang Pangulo ng bansa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng Million People March Rally na isinakatuparan noong Sabado sa Rizal Park sa Maynila upang himukin na tumakbo si Duterte.
Kasabay nito, minaliit ni Piñol ang mga lumalabas na survey result kung saan nasa ika-apat na puwesto lamang ang alkalde ng Davao City.
“Sa election na ito 2016, kapag tumakbo itong si Duterte na Presidente, kalimutan na ni Mar Roxas, Grace Poe at Binay ang Mindanao, Mindanao will all go out for Duterte, this will be the first time that Mindanao will produce a President.” Pahayag ni Piñol.
By Rianne Briones | Ratsada Balita