Nakiusap si Agriculture Secretary Manny Piñol na bigyan muna sila ng dalawang taon bago tanggalin ang quantitative restrictions sa pag-aangkat ng bigas.
Ayon kay Piñol, ito ay upang maiayos at mapalakas muna ang produksyon ng mga magsasaka.
Sinabi ni Piñol na kung ikukumpara sa ngayon ang produksyon sa pagitan ng mga Pilipino at Vietnamese na magsasaka, ay makikitang halos P45,000 pisong mas mataas ang kinikita ng mga magsasaka sa Vietnam dahil na din sa mas mababang production cost.
“The Filipino farmers are not prepared for this, even with the higher tariff hindi pa rin makaka-compete yung Filipino rice farmers, ang average production ng Filipino rice farmers ngayon per hectare, per harvest is only 3.9 metric tons, ang average production ng Vietnamese rice farmers ay 7, presyuhan lang ng palay is P14 per kilo you’re talking of already P42,000 difference sa earnings, for every kilo of palay produced the Filipino farmers spends P11, and for Vietnamese they spend only P6, so paano tayo makakalaban diyan? Bigyan muna natin ng pansin ang pangangailangan ng ating mga magsasaka bago ito.”
By Katrina Valle | Karambola