Hindi kilala ng mga tao sa Bangsamoro Region si Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ito ang sinabi ni Bangsamoro Interim Chief Minister Murad Ebrahim kasunod ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Piñol bilang point person sa Bangsamoro.
Ayon kay Murad, tila negatibo rin ang dating ni Piñol sa ilan dahil sa history nito na paghahain ng petisyon na naglalayong i-nullify ang memorandum on ancestral domain sa pagitan ng gobyerno at MILF.
Sa kabila nito, igagalang niya anuman ang maging desisyon ng pangulo ukol kay Piñol.