Masama ang loob ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, sa tila pangunguna ng ilang indibidwal at sinasabing pumayag na itong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016.
Ayon kay dating North Cotabato Gov. Manny Piñol, hindi maaring pangunahan ang alkalde at sa ngayon ay bukas pa ang kanilang grupo sa dalawang opsyon, ang re-election o ang sumabak sa pagka-Pangulo.
Iginiit ni Piñol na maliban sa malamig ang alkalde sa pagtakbo sa Pangulo, hindi pa din ito pinapayagan ng kanyang pamilya na sumabak sa mas mataas na posisyon.
“Ang hindi niya kinonsider na mayroong pang mga inaayos si Mayor Duterte this involves yung pamilya niya, kasi may opposition talaga ang pamilya niya, I think the Mayor was offended because ba’t mo nga naman ilalagay na partner niya si Senator Cayetano na hindi pa siya nagdedesisyon.” Paliwanag ni Piñol.
By Katrina Valle | Karambola