Nakipagkita si Agriculture Secretary Manny Piñol sa mga mangingisdang sakay ng bangkang binangga ng Chinese Vessel sa Recto Bank.
Ayon kay Piñol, hiniling sa kanya ng mga mangingisda na iparating ang kanilang apela kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng mas malalim na imbestigasyon sa nangyaring pagbangga sa kanilang bangka.
Sinabi ni Piñol na nakikiisa siya sa posisyon ng mga mangingisda na sinadya man o hindi ang pagkakabangga sa kanila, ang dapat kundenahin ay ang pag abandona sa kanila ganung nakita na ng mga Chinese na nakalubog na ang puwet ng kanilang bangka.
Samantala, sinabi ni Piñol na nais rin ng mga mangingisda na tulungan sila ng pamahalaan upang maging eksklusibo sa mga Pilipino ang bahagi ng Recto Bank kung saan nangyari ang banggaan.
“There is no justification to the act of the Chinese vessel to abandon the Filipino fishermen who are already in distress. Under international maritime laws that is relevant, under human laws that is immoral and the fishermen asked me to relay on the president their emotional and ardent request, to make the presentations with the Chinese governments so that the captain anjd the crew members of the Chinese vessel which figured in that maritime incident be held accountable and liable.”