Nagbitiw na sa pwesto si Mindanao Development Authority Chairman Emmanuel Piñol kasabay ng pagkalas nito sa ruling party na PDP-Laban upang tumakbo sa pagka-Senador.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni Piñol na epektibo ang kanyang pagbibitiw sa oras ng pagtatapos ng office hours ngayong araw.
Nilinaw naman ng dating Agriculture Secretary na bagaman umalis na siya sa PDP-Laban, hindi ito nangangahulugan na magkakalamat na rin ang samahan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, si Energy Secretary Alfonso Cusi na anya ang dapat tanungin kung bakit hindi siya napabilang sa ticket ng administrasyon.
Tatakbo si Piñol sa ilalim ng tandem nina Senator Ping Lacson at Senate President Tito Sotto na kakandidato naman sa pagka-Presidente at Bise Presidente. —sa panulat ni Drew Nacino