Inalmahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kaya ipinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang limitasyon sa importasyon ng bigas para mapababa ang presyo nito at ang inflation.
Ayon kay Piñol, hindi dapat isisi lamang sa mataas na presyo ng bigas ang paglobo ng inflation.
Iginiit ng kalihim, ang numerong dahilan sa inflation o mabilis na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Dagdag ni Piñol, hindi tama ang pahayag ni Roque na wala nang restriksyon sa pag-angkat ng bigas dahil may mga prosesong dapat pa ring pagdaan at requirements na dapat sundin ang mga importers.
Binigyang diin ni Piñol, ang kahulugan lamang ng sinabi ni Pangulong Duterte na unimpeded importation sa bigas ay ang padaliin ang proseso sa pag-aangkat nito.