Humingi ng paumanhin at pang-unawa ang Deparment of Agriculture (DA) sa mga nasa sektor ng pagmamanukan na naipit ng isinagawa nilang hakbang.
Ito’y makaraang magpatupad ng ban ang DA sa pag-aangkat ng mga poultry products mula Luzon patungo sa iba’t ibang panig ng bansa bunsod ng pananalasa ng avian infuenza sa isang poultry farm sa Pampanga.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kinakailangan nilang gawin ang nasabing hakbang at handa siyang sumugal para sa kaligtasan ng publiko.
But you have to understand we are talking here of 64 million broilers, 34 million layers, 10 million ducks and the whole poultry industry of the country.
We cannot sacrifice this industry even I have to spent 10, 20, 30, 40, 50 million to contain this, I will do it because at the other end, sa kabila n’yan eh ‘yung buong industriya ng pagmamanok sa buong Pilipinas.
Ngunit sa kabila nito, ipinagmalaki ng kalihim na kanilang napigilan ang pagkalat ng nasabing virus at umaasang hindi na ito lumaki pa.
I am keeping my fingers crossed and I am praying na hindi na ‘to kakalat pa.
Hopefully ‘yung ginawa natin would contain the disease in San Luis at ma-prevent natin.
You know, hindi ako eksperto pero I can only hazard a guesse kung bakit ‘di kumalat ‘yung sakit, kasi ang tinamaan layer farms, so, ang lumalabas itlog. How do you cook itlog? Diba pinapakuluan mo?
Pero siguro kung broiler ‘yun, kung live chicken ang lumalabas from San Luis na binebenta sa merkado, that would be a different story siguro.
Medyo may awa pa ang Panginoon sa atin, tinamaan nga tayo ng bird flu but not a type that would totally devastate our poultry industry.