Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 1,122 na ang mga Pilipinong kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 43 bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 653 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
(1/3) Today, the DFA records a total of 1,122 Filipinos abroad infected with COVID-19 across the Americas, Asia and the Pacific, Europe, and Middle East/Africa, of which almost 400 have been verified by DOH through the IHR. pic.twitter.com/g8ShkJHjeP
— DFA Philippines (@DFAPHL) April 23, 2020
307 naman ang nakarecover sa COVID-19, samantalang nadagdagan ng tatlo ang mga nasawing Pinoy abroad kaya’t nasa 162 na ang death toll ng mga Pilipino sa ibang bansa na nasawi dahil sa naturang virus.
Pinakamarami pa ring naitalang kumpirmadong COVID-19 positive na Pinoy sa Europa na may 374 na kaso, sumunod sa Asia Pacific Region na mayroong 302 na kaso, Middle East/Africa na nakapagtala naman ng 165 cases at Americas na nasa 281 na kaso.