Sumampa na sa 8,433 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa ibayong dagat.
Ito ay makaraang makapagtala pa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng isa pang panibagong COVID-19 case sa mga Pinoy abroad.
Pumalo na rin sa 538 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus makaraang makapagtala naman ng dalawa pang pumanaw.
Samantala, wala namang bagong naitalang naka-recover sa mga Pinoy abroad na nahawahan ng virus.
28 June 2020
Weekend figures reported by the DFA from a few countries in the Middle East, through its Foreign Service Posts, reveal only 1 new confirmed COVID-19 case among Filipinos abroad, no new recoveries, and 2 new deaths. (1/3) pic.twitter.com/XF8Yr100zS
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 28, 2020
Nananatili namang may pinakamataas na COVID-19 cases ng mga Pinoy abroad ang Middle East/Africa na mayroong 6,168 cases; 3,777 sa mga ito ang naka-recover, habang 278 ang nasawi.
Sinundan naman ito ng Europe na may kabuuang 982 cases, habang 420 sa mga ito ang naka-recover na at 94 naman ang pumanaw.
Nasa 686 Pinoy abroad naman ang tinamaan ng COVID-19 sa Americas kung saan 373 sa mga ito ay naka-recover habang 164 ang nasawi.
Samantala, nakapagtala naman na ng 597 COVID-19 cases sa mga overseas Pinoy sa Asia Pacific Region; 511 sa mga ito ang naka-recover habang dalawa ang pumanaw.