Nadagdagan pa ng 22 na Pinoy sa ibayong dagat ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), dahilan para sumampa na sa 5,541 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy abroad na tinamaan ng COVID-19.
14 June 2020
Weekend figures reported by the DFA from a few countries in the Americas, Europe, and the Middle East, through its Foreign Service Posts, reveal 22 new confirmed COVID-19 cases among Filipinos abroad, 6 new recoveries in Europe and Middle East, (1/3) pic.twitter.com/OQyA1PQeYf
— DFA Philippines (@DFAPHL) June 14, 2020
Pumalo naman sa kabuuang 409 ang death toll makaraang makapagtala ng siyam na bagong bilang ng mga nasawi sa naturang virus.
Sa kabila nito, anim naman ang nakalaya na mula sa virus kaya’t nasa 2,491 na pasyente naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling na sa sakit.
Samantala, mula naman sa Middle East at Africa region ang pinakamaraming bilang ng mga COVID-19-positive na mga Pinoy na nasa 3,422; 1,382 na naka-recover at 152 na mga nasawi.
Mayroon namang 880 Pinoy na positibo sa COVID-19 sa Europe; habang 301 ang naka-recover at 92 naman ang pumanaw.
Nakapagtala naman ng 679 Pinoy mula sa America na tinamaan din ng virus; 352 sa mga ito ang naka-recover na habang 163 ang nasawi.
Samantala, 560 namang Pinoy COVID-19-positive ang naitala sa Asia Pacific Region; habang 455 ang gumaling at dalawa naman ang nasawi sa virus.