Pasok si Pinoy actor Jon Jon Briones sa Beauty and the Beast special sa ABC.
Ayon sa The Hollywood reporter, gagampanan ni Briones ang papel ni Maurice na ama ni Belle.
Si Maurice ay isang inventor na binabatikos ng mga villagers dahil sa paggawa ng anila’y kakaibang devices at nang mawala ito sa isang gubat at nakapasok sa kaharian ni Beast, si Maurice ay nakulong dahil sa trespassing.
Si Briones ay nakilala sa kanyang role sa ratched at american horror story: Apocalypse.
Gaganap namang Belle ang Pinoy American Grammy winner na si HER na siya ring producer at bahagi rin ng cast sina Josh Groban bilang Beast, Martin Short, David Alan Grier, Shania Twain, Joshua Henry, Leo Abelo at Rizwan Manji samantalang narrator naman si Rita Moreno.