Makikipagkita kay President Rodrigo Duterte sa darating na Hulyo 18 ang 12 atletang Pilipino na sasabak sa Rio Olympics.
Ayon kay Philippine Sports Commisioner Charles Maxey ang pulong ay kinumpirma mismo ni Secretary Christopher Lawrence Go ng Presidential Management Staff.
Ito ang unang pagkikita ng mga atleta mula pa noong panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.
Bukod sa nasabing pulong ay papangunahan ni president Duterte ang send-off sa mga atleta na nakatakdang bumiyahe sa darating na Hulyo 22.
Ilan sa mga atletang kasama sa Rio Olympics ay sina swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Khing Lacuna, boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, weightlifters Nestor Colonia at Hidilyn Diaz, hurdler Eric Cray, long-jumper Marestella Torres, marathoner Mary Joy Tabal, Ian Lariba para sa table tennis, taekwondo Kirstie Elaine Alora at golfer Miguel Tabuena.
Sinabi naman ni Philippine Olympic Chef de Mission Joey Romasanta na magbibigay ng inspirasyon para sa mga atleta ang paghikayat ng Presidente ng bansa.
By Mariboy Ysibido