Aminado ang Philippine Sports Commission na tila nagdadalawang isip pa ang ilang atletang Pilipino na sumabak sa RIO Olympics sa Brazil dahil sa banta ng Zika Virus Outbreak.
Ayon kay PSC Chairman Richie Garcia, bukod sa pangamba ng mga Pinoy athlete, may presensya rin ng super bacteria na sinasabing matatagpuan din sa karagatan ng Rio de Janeiro, Brazil.
Kamakailan ay lumabas ang ulat na nadiskubre ng mga siyentista ang “super bacteria” sa mga baybayin ng Rio de Janeiro maging sa ibang bahagi ng anyong tubig na gagamitin sa Olympics.
Kabilang sa mga apektadong lugar kilalang Copacabana Beach kung saan isasagawa ang Triathlon competitions at open-water swimming sa Agosto 5 hanggang 21.
Sa kabila nito, inihayag ni Garcia na kailangan nilang hintayin ang ibang karagdagang anunsyo mula sa World Health Organization bago magdesisyon.
sa ngayon, limang atleta pa lamang ang kumpirmadong lalahok sa rio olympics at ito ay ang mga boxer na sina rogen ladon at charly suarez, taekwondo jins na sina kirstie elaine alora, table tennis players na si ian lariba at long jumper marestella torres.
By: Drew Nacino