Nasungkit ni Filipina tennis player Ana Clarice Patrimonio ang silver medal sa pagsasara ng 29th Southeast Asian (SEA) Games tennis competition sa National Tennis Centre sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ito’y matapos siyang talunin ni Top Seed Luksika Kumkhum ng Thailand sa iskor na 6-0, 6-1 dahilan upang makuha ng Thai ang gintong medalya sa women’s tennis singles.
Una nang tinalo ni Patrimonio, anak ni PBA legend Alvin Patrimonio, ang fourth seed na si Ka Andrea Daray ng Cambodia.
Samantala, nagkasya naman sa bronze sina Ruben Gonzales at Denise Dy matapos matalo sa semifinals ng mixed doubles event kaya’t bigo silang madepensahan ang titulo na nakuha nina Dy at Treat Huey noong 2015.
Bigo rin si James Deiparine sa gold medal round ng men’s 100-meter backstroke finals ng swimming sa national aquatic center pool.
Samantala, nagsanib-puwersa naman sina Antoinette Leviste, joker arroyo, Colin John Syquia at Sophia Chiara Amor dahilan upang makuha nila ang silver medal sa Southeast Asian (SEA) Games show jumping team event sa equestrian.
Nakuha ng Malaysia ang ginto habang nakuha ng Thailand ang third spot o bronze sa nabanggit na event.