Kinumpirma ni Games and Amusements Board Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang masaklap na sinapit ni Filipino World Veteran Billiard Champion Dennis “robocop” Orcollo sa U.S.
Ayon kay Mitra, nakulong si Orcollo sa Los Angeles, California at napauwi nang wala sa panahon dahil sa pagiging overstaying at kawalan ng tamang dokumento.
Dinakip anya ng U.S. Immigration ang Pool Legend sa kanyang pagdating sa Los Angeles airport kung saan nakulong siya ng 16 na oras bago ibiniyahe pabalik sa Pilipinas noong Lunes.
Tiniyak ni Mitra na handa ang gab na saklolohan si Orcollo sa renewal ng Professional Billiard Player License nito at endorsement sa US Embassy.
Regular naman anya ang renewal ng Pro License ni robocop sa mga panahong nananatili ito sa Pilipinas.