Napasakamay ni Pinoy billiards player Chezka Centeno ang kampeonato sa Amway Espring International 9 ball championship sa Taipei
Tinalo ni Centeno ang beteranang si Kelly Fisher ng England matapos ma-iposte ang score na 11-8 sa kanilang sagupaan.
Una nang nakalamang ang Zamboanga native sa apat na set para talunin ang 37 na World Pool Champion.
Magugunitang si Centeno ay nakakuha ng gold medal sa women’s 9 ball single noong 2015 Southeast Asian Games na ginawa sa Singapore.
By: Judith Larino