Nasungkit ng Pinoy boxer na si Johnriel “quadro alas” Casimero ang IBF world flyweight title.
Ito ay makaraang dalawang beses na pinabagsak ni Casimero ang kalabang si Amnat Ruenroeng ng Thailand.
Pero bago nito, namuhunan muna si Casimero sa unang tatlong rounds kung saan ay mabibigat na suntok ang ibinaon nito sa katawan ng kalaban.
Nagsilbi din itong paghihiganti sa parte ni Casimero dahil sa mag-iisang taon na rin ng talunin siya ng naturang Thai boxer via unanimous decision.
Ang 26 anyos na si Casimero ay tubong Ormoc na nagwagi na rin ng WBO interim light flyweight title noong 2009.
By: Ralph Obina