Matagumpay na naidepensa ng Pinoy Boxer na si Jerwin Ancajas ang kanyang IBF Super Flyweight Crown kontra sa Mehikanong si Jose Alfredo Rodriguez via technical knockout.
Dinomina ng 25 anyos na si Ancajas ang laban dahilan upang umatras ang kampo ni Rodriguez bago pa man magsimula ang ika -8 round.
Ayon kay Ancajas, nagawa niya ng batay sa plano na kontrahin ang jab at straight ng Mexican challenger.
Inialay ni Ancajas sa diyos at sambayanang Pilipino ang tagumpay niyang ito.
Ginanap ang bakbakang Ancajas at Rodriguez sa Cotai Arena sa Macau.
By: Ralph Obina